Maraming batas sa
pagpapantig.
Lalo na sa wikang
Filipino
na halong Tagalog,
Espanyol, Ingles, mga dayuhang wika,
at umabot na sa 200
iba pang wika sa Pilipinas.
Ngunit ngayon,
pag-usapan lang natin ang 3 batas.
Lahat ng mga ito
para sa pagpapantig ng salitang Tagalog.
Handa ka na? Sige,
hataw!
1) Unang batas: may
isang patinig (vowel) sa bawat pantig (syllable).
At ganoon din, may
isang pantig para sa bawat patinig.
Halimbawa:
Ilang pantig ang
'nakababagabag'?
Puwede mong
pakinggan ang pagbigkas at bilangin ang palo ng salita.
NA-KA-BA-BA-GA-BAG.
Anim na palo. Anim na pantig.
O kaya bilangin mo
na lang ang patinig doon.
AAAAAA. Anim na 'a'.
Anim na patinig. Anim na pantig.
2) Pangalawang
batas: Sa Tagalog, walang kambal-katinig o consonant blends. Ibig
sabihin, hindi maaaring may dalawang katinig (consonant) na magkatabi
sa isang pantig.
Halimbawa:
Paano mo papantigin
ang 'kislap'.
Puwede bang KI-SLAP?
Mali. Bakit? Dahil magkatabi ang S at L sa huling pantig.
Ano dapat?
KIS-LAP. Tama na ba?
Tama.
Isa pa:
NAGKUPLAS.
NAG-KU-PLAS. Tama
ba? Mali uli. Saan nagkamali? Sa huling pantig. Ano ang mali?
Magkatabi ang P at L. Bawal iyon. Walang kambal-katinig sa Tagalog.
Paano dapat.
NAG-KUP-LAS.
Huli na lang:
NAGBABADYA.
NAG-BA-BA-DYA. Mali.
Nasaan? Paano dapat?
NAG-BA-BAD-YA. Wala
nang magkatabing katinig. Tama na.
3) Pangatlong batas,
huling batas sa ngayon:
Kapag nasa gitna ng
dalawang PATINIG (vowel) ang isang KATINIG (consonant), dumidikit ang
katinig sa kanan (right). Kasi ito ang right thing to do. Biro
lang.
Gawin nating
simbulo.
Kung PKP, katinig sa
gitna ng dalawang patinig. Saan pupunta ang katinig? Sa kanan.
Kaya magiging P-KP.
Halimbawa:
ASA.
AS-A. Mali. Kasi sa
kaliwa dumikit. Masama iyon. Dapat:
A-SA. Sa kanan
dumidikit. That's right.
Isa pa:
BABALA. Dalawang
katinig iyan na nasa gitna ng patinig.
Paano? BAB-AL-A.
Dalawang mali. Nasaan?
Saan didikit ang B?
Sa kanan.
Saan didikit ang L?
Sa kanan din.
Kaya dapat:
BA-BA-LA.
Huling halimbawa:
AKALA.
Ilang katinig ang
may patinig sa kaliwa at kanan?
Saan didikit ang K?
Sa kanan.
Saan didikit ang L?
Sa kanan din.
Kaya dapat: A-KA-LA.
Kaya ito na muna.
Tandaan mo ang 3
batas para sa pagpapantig ng salitang Tagalog.
1) Isang
patinig=isang pantig.
2) Walang
kambal-katinig.
3) Kapag kailangang
mamili ng Katinig ng didikitan, lagi niyang pipiliin ang kanan.
Right?
No comments:
Post a Comment